Show: The Business Portal
Fritz: We are here today with Mr. Pocholo Gonzales. His the master of the Voice Master’s. Good Morning Pocholo.
Pocholo: Good Morning Fritz. Kamusta?
Fritz: Maganda naman ang araw ko, ikaw? Kamusta ka?
Pocholo: Ayos naman at every day sobrang busy dahil especially now mag eeleksyon.
Fritz: Voice Master ka, anong ginagawa ng Voice Master?
Pocholo: Voice Master? Siguro magada magsimula muna tayo sa simula no, kung bakit, ano ba ang voice master? E, actually, ako ang unang nag professionalize ng voice over industry sa Philippines.
Fritz: Voice over? Kumbaga, katulad ng anime, dina- dub siya? Or ano yung,
Pocholo: Ito, bigyan kita ng idea what is voice over. Kasi karamihan sa mga tao, diba everyday paggising mo palang may voice over na sa paligid mo e. Paggising mo halimbawa, yang alarm clock mo sometimes may voice yan e, sabi niya, “6 O’clock” Diba may nag voice over na tao o pagbukas mo ng radyo, may nagssabi sayo na, “Bumili na ng bagong ganito”. “Ikaw ba’y may bad breath? Gumamit na ng bagong ganyan”. So may voice over na nagsasabi sayo na you buy this and buy that. Or pagbukas mo naman ng tv, meron ding voice over ‘don, so paggamit mo ng cellphone, sasabihin sayo, “The number you have dialed is not yet in service or parang, so that’s voice over. Karamihan sa mga tao hindi nila napapansin na may ganon pala. ‘Yon yung nataken for granted nila. Pero araw araw nandyan kami sa paligid ninyo hindi nyo lang namamalayan, pagsakay mo ng MRT, “Kayo po ay nasa Cubao Station”. Voice over din ‘yon. Just imagine a radio and a tv without a voice. Imagine nyo na lang yung GNN, yung commercial nyo, walang boses, anong mangyayari?
Fritz: Wala.
Pocholo: Di mo maintindihan diba?
Fritz: So pano ka nagsimula dyan?
Pocholo: Nagsimula? Nagsimula ako bata pa lang ako. Nung nasa probinsya kasi ako, wala kaming tv, so ang means of entertainment ko, radio lang. Lagi kong napapakinggan, yung gabi ng lagim. Kasi alas otso, alas otso ng gabi yan e. So pagdating ng alas otso matutulog na, maaga kasing matulog sa probinsya, 7:30 pa lang nasa kama na kami, marinig mo, “Isan Gabi ng Lagim, awooh.”
Fritz: So ginagaya mo siya.
Pocholo: Tapos, biglang kunwari, may matanda at bata, “Lolo, naliligaw tayo dito sa kagubatan”. “E sabi ko naman sayo apo e, wag kang maglaro dyan sa puni kanina, ayan tuloy, ginabi tayo”. “Lolo magpahinga muna tayo ‘don sa puno”. “O sige”. “Lolo babaliin ko yung sanga ng puno ah,”. “naku wag apo, baka mabuhay yan”. “Bwuahahaha. Sino ang pumutol sa aking sanga?” “A lolo, nabuhay yung puno” “A, isa akong engkanto”. Diba? Na imagine mo ba ‘yon?
Fritz: Oo.
Pocholo: Nakakatuwang pakinggan e diba, so ‘yon. Unknowingly nadedevelop ko yung voice acting ability ko, yung voice acting skills ko. Haggang sa nagamit ko siya sa school. So lagi na akong host. Ako yung voice over, ako lahat yung, basta ako lang pwede humawak ng mikropono ‘non. So I’m make and make the event talagang colorful because of my voice acting ability.
Fritz: So sa isang event o sa isang speaking engagement, pwede na ikaw gumawa ng lahat ng ‘yon e, diba?
Pocholo: Oo. Meron nga animation sa kabilang channel na almost ako lang lahat. 15 characters, ako lahat nagboses na iba-iba yung atake.
Fritz: Pano mo nagagawa yan?
Pocholo: Talent na yan, hanggang sa nag aral ako sa ibang bansa, natutuhan ko yung kumbaga, tools and techniques kung pano ko gawin ‘yon. Kaya nga after kong, kasi 15 years na ako sa industry, I started as a broadcaster sa radio station sa isang istasyon dyan. Na at very young age of 16 nag broadcast na rin ako. Ako nga yung poducer, ako na yung writer, ako na yung direktor. Ganon kabata.
Fritz: Bakit ano, 16 ka pa lang diba? Ano ‘yon highschool o college ka na kasi.
Pocholo: College. Kasi pagpasok ko sa UP may napakinggan ako sa radio na, “Ikaw ba’y magaling kumanta?” Magaling umarte sa, magaling mag voice acting. Bueno sumali na dito sa Radyo-Radyo tuwing Sabado. Pumunta lang sa”.
Fritz: So ‘don ka nagsimula?
Pocholo: Oo tapos nag audition ako, out of 10, 000 applicants, ako yung nag champion ‘don, kaya hanggang ngayon tuloy tuloy na yung ano yung career ko hanggang sa kinuha na ako sa animations, sa mga commercials, sa pelikula nag dami ko na ding binosesan na artista na pelikula. Kasi yung pelikula natin magtataka ka bakit ang linaw linaw ng boses nila,
Fritz: Dina- dub pa yan diba?
Pocholo: Kasi yung mga, kumbaga parang sa shoting may outside noise pa yan e. Hindi mo maiiwasang, yung atmosphere o yung ambiance na
Fritz: Outside noise.
Pocholo: Hindi kaagad mapipick up yung voice mo so kelangan i dub lahat yan para mas malinaw na lalabas don sa speaker sa sinehan.
Fritz: So isa ka rin ‘don sa nagda dub?
Pocholo: Oo. One of, siguro nakagawa rin ako ng mga 15 na pelikula na ao=ko yung nagboses sa ilan sa mga artista.
Fritz: Ok. Now sinabi mo na isa ka sa nag professionalize nung voice acting industry?
Pocholo: I can say I’m the first one hanggang sa I encourage my mentors na to join me so in 2005, I started the Philippine Center for Voice Acting under siya nung CreatiVoices na company ko. The first and only voice over company sa Pilipinas. Kasi ang problema sa mga telent, they do it individually. Kumbaga walang nagma manage sa kanila, so yung threat sa ano, pagbabayad ng talent fee, ng mga producer, yan ang no. 1 problem ng advertising ngayon. Minsan hindi nagbabayad tong mga ahensya. Bayad na yung advertiser nila sila yung hindi pa bayad sa talent. It takes mga 2-3 years, minsan hindi pa nagbabayad.
Fritz: Talaga?
Pocholo: Oo, ‘yon yung totoo dun.
Fritz: So paano nangyari? Pano mo sinimulan ito?
Pocholo: Nagsimula kasi, ayun pagakagaling ko sa States, nagtayo na ko nung company ko. NAgsimula lang ‘to sa loob ng kwarto ko.
Fritz: Talaga?
Pocholo: Oo. Bumili lang ako ng isang usb microphone, so nangongontrata na ako ‘non, tapos.
Fritz: Nagpapadala ka ng mga sample tapes mo?
Pocholo: Actualy, hindi lang kasi sa Philippines yung market e. Kung igoogle nyo yung voice talent, sulat mo lang voice talent, no. 1 kami. Ang lakas namin sa search engine. So dahil ‘don lumago na ng lumago. Nung 2007, pinodcast ko yung ano, ako rin nagsimula ng podcasting sa Pilipinas nung 2005. So nung 2007, under Inquirer.net, pinodcast ko lahat ng Senatoriable kasi ang main goal ko don, yang nakikita nyo sa screen, kausap ko yung ilan sa mga Senatoriable, si Chiz, si Peter Cayetano, si Pimentel, si Angara, yan si Imee kasama rin antin yan. Si Osmena. Anong pangalan nito, si Joker Arroyo, si Kiko Pangilinan, si Loren Legarda, si Manny Villar, ayan, si Migz Zubiri, si Mike Defensor, ayan, si, sino to? Si Nikki Coseteng
Fritz: Oo. Senator Nikki.
Pocholo: Si NoyNoy. Si Ping Lacson, si Pichay. Si Sonia Roco, nakit nyo may microphone ako dyan, si Tessie Aquino Oreta, si Tito Sotto, ayan, mga businessman, si Victor Tan actually makakasama din antin yan dito. At yung mga, karamihan yung presidentiable, pinodcast at video cast din namin under blog watch. So ang main goal ko don syempre ang gusto ko marinig ng buong mundo kung ano yung plataporma kasi ang problema sa tv soundbites lang e,paarnag hindi mo talaga makilala yung mga kandidato na, kung sino talaga sila. At malalaman mo kung ano yung ginawa nila noon, halimbawa yan,si Dick Gordon saka si Bayani, iniinterview ko din kasi I want voice of the youth to be heard by them kasi pag tinatanong ko sila, ano ba yung plano nyo sa kabataan, ano ba yung mga nagawa na ninyo, yung mga future na dapat gawin sa kabataan kasi ako rin yung founder ng the Voice of the Youth Network. The biggest youth group in the country, a hundred thousand members nationwide. So from Tawi-Tawi to Batanes, kasi ang Voice of the Youth, principled center siya e. So basically Voice of the Youth is about encouraging every Filipino youth to believe in themselves in creating positive social change. So nagulat nga ako yung iobang mga kapatid nating Muslim sa Mindanao, sa Lanao, sa Tawi-Tawi, sa, bast mostly sa Mindanao e, inadapt yung principle tapos nag create sila ng chapter ‘non. Basta ang main goal namin, inspire lahat ng kabataan to do their dreams, to follow their dreams, do it without money.
Fritz: Now na mention mo 2 organizations mo, first yung CreatiVoices, second yung Voice of the Youth. Now let’s go back ‘don sa blog watch ano, ngayon itinayo mo siya kasi gusto mong ishare yung advocacy, yung platforms ng mga tumatakbo ngayon for yung mga Presidentiables, platforms nila gusto mong ishare.
Pocholo: Actually yung blog watch is under Vival Foundation, kinuha nila ako to help them para, kumbaga parang broadcast live yung mga candidates, live ‘don sa website nila. Kasi before podcast lang, recorded lnag ngayon may video na. Kasi dati ang bagal pa ng Internet, di pa kaya yung streaming na kumbaga real time.
Fritz: Kamusta naman yung well, feedback from the Presidentiables?
Pocholo: So far alam mo, 3 hours to 4 hours na talk with, marami rin kaming mga bloggers na kasama. Ako yung portion ko lang, yung tanungin kung ano yung issue para sa kabataan. Kasi may radio show din ako sa kabilang istasyon ngayon, yung Voice of the Youth Radio, and soon magkakaroon ako ng TV Show dito although 3 years old, 3 years ago, nandito siya sa GNN, yung Voice of the Youth TV, isa sa magandang programa dito yan kasi ang focus namin ‘don ang mga kabataan, bigyan ng recognition. Ang problema kasi sa bansa natin, ang daming mga gawaing pang kabataan na hindi nirerecognize. Isa na ako don actually. Ilang beses na akong hindi nanalo sa isang yung Tayo Awards, pero lima na yung awards ko sa International. I don’t, kumbaga, I don’t care kasi at the end of the day ok na ‘yon e, di ko naman kelangan i recognize ako. Irecognize na lang yung effort, yung mga kasama ko, ayon, so.
Fritz: Bakit sa tingin mo hindi nirerecognized yung mga ginagawa ng youth ngayon?
Pocholo: Alam mo minsan, pulitika rin yan e. Talagang kung sino yung malakas don sa mga nakaupo, sila yung binibigyan ng pagkakataon.
Fritz: Pero diba, may mga awards giving bodies ang government para don sa youth talaga.
Pocholo: Oo nga e. Nagtataka nga ako kung bakit ganon, e yung iba kasi parang, kumbaga overnight lang ginawa, nagtanim lang, nanalo na, hindi siya may tinatawag tayong sustainable na program. Hindi sustainable yung ganon. Pano pag tapos na, wala na. Unlike yung Voice of the Youth, hanggang ngayon buhay pa after. 1996.
Fritz: Matagal na rin ano?
Pocholo: Kasi ang istorya nyan, natalo ako sa SK nung election nung 1996.
Fritz: Dito sa Manila o sa probinsya?
Pocholo: Sa probinsya. Sa Mariveles Bataan. Sabi ko hindi ako hihinto dito. Kumbaga salamat ako at natalo ako kasi nga baka dito matulungan ko so nagdecide akong magtayo ng sarili kong organization na mas malaki pa ‘don sa SK. Kasi mas marami akong natulungan, maraming na involve, at walang pulitika, at walang perang involve. ‘Yon yung mahalaga e, sabi ko nga lahat ng bagay posible, kung yung passion mo nagtutulak sayo. Tulad ng ginagawa ko dito for GNN. I have 3 shows na darating. Ako yung ang produce and dereck, yung isa TechTalk Technology Talk, yung pangalawa yung Creative Business mamaya at yung susunod yung Voice of the Youth TV, mas maganda, pinalawak, mas matindi yung production. Pero walang pera ‘yon ah, kumbaga, ang point ko gusto ko makatulong talaga. And yung TeckTalk kasi it’s a blogger, show for bloggers for people.
Fritz: Mga techy’s?
Pocholo: Ya. Don na tayo papunta e, alam mo yun? Sana nga balang araw yung mga, Internet base na lahat e. Darating yan. Naniniwala ako. Yang local tv medyo bababa yung viewership, hindi naman totally mawawala. Dahil sa mas marami ng option yung mga tao, na makapanoud sa Internet, kasi meron na nga tayong Internet Cable e. Darating yan, 5, 10 years from now pero sa bilis ng technology ngayon,
Fritz: Actually may nabasa ako yesterday sa yahoo, no I think more than 800,000 na sa US, walang connection sa Tv. Lahat sila nanunuod na,
Pocholo: Sa internet?
Fritz: Over the Internet.
Pocholo: Which is good para mawala na yung domination na, ng ilang istasyon dyan na feeling nila sila may ari ng Pilipinas diba?
Fritz: Oo, sila yung nagdidicatate kung ano dapat panuodin?
Pocholo: At nagdidictate kung ano mangyayari sa bansa natin. Ayoko ng ganon, gusto ko free programing, free self-expression kasi sa kanila pag nagsalit ka ng hindi ayon sa kumpanyang yon tanggal ka at madami akong kaibigang broadcaster na nangyari yan, meron lang nagawang mali at hidi ayon ‘don sa kanila, tinanggal na. Pero ako naniniwala, dapat, sooner or later, ganon ang mangyayari. Sana nga ganon, how I wish.
Fritz: Kanina, diba nabanggit mo na natalo ka sa SK, tapos sa probinsya nyo walang masyadong TV,
Pocholo: Mga 20 years ago.
Fritz: Ano pa yung mga challenges na napag daanan mo bakit naging successful ka ngayon?
Pocholo: Syempre kung hidi sa mga challenges, sa pagsubok sa buhay, hindi ka naman magtatagumpay e. Kailangan masipag ka, matiyaga ka, matalino ka rin, at talagang ako determination lang e at paniniwala sa sarili yung dala ko. Nagsimula ako, syempre pag magaling ka, alam mo yung old school na pag iisip na pag magaling ka ilalaglag ka kasi threat ka e. Baka agawin mo yung trabaho nila,
Fritz: Nagigig parang fragmentality, oo.
Pocholo: Which is hanggang ngayon nangyayari naman yan kahit saan. Ako yung paniniwala ko especially yung Voice of the Youth, magtulungan tayo, bakit hindi tayo mag cooperate diba? Instead na maghilahan tayo kasi at the end of the day pag lahat tayo nasa taas, masaya tayong lahat e. At ‘yon yung ginagawa ko ngayon aside from the youth group na yan, meron kaming yung grupo na mga kabataan din na negosyante, sina Llyod Luna, ako, si Ian Barcelona, si Tj Lanot, siya may ari ng PINO. Sina, Kornel Bongco, nagsama sama kami to motivate, inspire a lot of people. Yan kung makikita nyo sa TV, ako yung speaker sa National Student Government, lahat ng principal, lahat ng mga superintendent, supirvisorng DepEd, isipin mo ako pa yung nagturo to think doble yung edad nial sa kin. Yung iba dyan 60 years old na, sko 30 pa lang. Pero dahil ‘don sa talk ko, sobrang na inspire din sila na sabi nila noon pa nila ako nakilala. Alam mo ‘yon? Kung makikita mo dyan, talagang masaya yung mga tao, kasi non-traditional din yung approach namin sa public speaking e. Done those days na parang alam mo ‘yon, napaka boring magsalita ng mag speaker.
Fritz: Mga powerpoint presentation, makikinig ka na lang, diba?
Pocholo: Actually importante pa din yung powerpoint kaya lang dapat interactive na yung approach. So marami pang dapat ayusing sa bansang to e. Pero sana ngaying darating na eleksyon, napaka crucial yan para sa ating, we’re on the same age, alam mo yan. E alam mo yan, 6 years napaka importante nyan. Parang kumbaga, sinasabi ko na bumalik tayo sa panahon ni Rizal ngayon, kumbaga 1910 ngayon, isipin mo. Nagsisimula pa lang, wala na si Rizal ‘non patay na pero ang sinasabi ko parang bumalik tayo sa past. Na ngayon nag reset ulit tayo na sana itong nasa zero tayo,
Fritz: Simulan na yung tama?
Pocholo: Oo, wag lang mag negative alam mo ‘yon? Nasa tao yan. Ang sinasabi ko lagi, mag isip kayo nung mabuti, pag aralan nyo kung talagang ito ba ay may nagawa, ano ba yung mga napatunayan niya sa sarili niya. Ano ba yung kaya niyang gawin para sa bansa? Hindi dapat tayo nagpapadala sa kung ano lang yung nakikita natin, yung tinatawag na bandwagon.Yun nga, don na pumapasok yung mga personal branding which, I’m also an expert in personal branding. Minsan nagagamit din yung Internet sa propaganda, yon nga nakakalungkot puro negative na batuhan ng mga pulitiko,
Fritz: Kaya lalo na ngayon no?
Pocholo: May totoo, may hindi. Pero ang pinakamasama ang magsinungaling ka para siraan mo lang yung isang kandidato para umangat ka e, diba? At iyon, mga personal branding na din ‘yon. Kasi ako naniniwala na lahat ng tao may branding. Kasi ngayon, gone those days na puro kumpanya na lang ang nananagana. Ang isang tao kayang tapatan, kayang gawin ang isang malaking kompanya ngayon, because the technology is already there. Nandyan na yung, kumbaga given na yung ano natin, yung platform, kung ano pwede gamitin especially the competor.
Fritz: So kumbaga yung information age ngayon naging great leveler na, between the great companies and the individuals.
Pocholo: Napaka laking bagay satin, ako, hindi ako magiging Pocholo Gonzales the Voice Master kung hindi dahil sa Internet e. I owe my life sa Internet, sobra. Kasi before ang hirap mong ipromote yung sarili mo e. Nowadays is not bad to promote yourself as long as positive naman yung branding mo, positive yung dating mo, wag lang negative kasi iba ginagamit yung negativity to promote, para nga raw sa kanila, postive or negative publicity is still, mali ‘yon kasi yung iba na hubad na alam mo yon nakita na lahat lahat yung katawan, na scandal na pero nadyan pa din sa TV. Ano yung maidudulot nito sa kabataan na, “Ay ok lang pala kasi nakit ana yung buong katawan niya, sikat pa din siya”.
Fritz: Inaadmire pa rin siya ng mga tao
Pocholo: O kaya ang dami na niyang naging asawa, dami na niyang anak, naki apid na sa iba’t ibang lalaki, pero nandyan pa din siya, sikat pa din siya. Ano ng moraloty ang mako contribute nito aksi napaka laking bagay ng media para sa mind setting ng mga kabataan. So I don’t know soon kung parang nagiging accepted na nga natin lahat e, ng negative things, like korupsyon, “Ok lang yan, ang korupsyon, natural lang yan sa gobyerno”. Pwede bang natural lang yon?
Fritz: Kailangan baguhin diba?
Pocholo: ‘Yon nga at ‘yon ang isa sa mga pinaka malaking responsibilidad, na ayusin ito, yung ganitong bagay e minsan, hindi mo na mapigilan, nandon na nga yung Internet, positive and negative din yung result nyan e. Pero nasa taong gumgamit lagi. Kung gusto mong pumunta ng porn site, e ikaw yon.
Fritz: Choice niya?
Pocholo: Choice nya yon. Ang, kung gusto niya naman ng matino, choice niya rin ‘yon. Kaya sabi ko wag nating sayangin yung buhay natin ngayon, kapapanuod ng mga walang kwentang bagay, yung mga showbiz na wala namang, hindi naman makakatulong satin personally yan e. Alam mo yung parang manunuod ako, ok nabuntis si ganyan, bakla pala si ganito,
Fritz: Ano ngayon?
Pocholo: Ano ngayon? May epekto ba sa buhay mo? Pagadating mo sa opisina ‘yon ang pag uusapan, instead na manuod ka ng National Geographic o manuod ka ng mga inspiring at motivational movies na pagdating mo sa office mo sasabihin mo, “Oy, alam mo ba na ang buhay pala ni ganyan, sana ganon din tayo”, hindi yung, “Hoy, abnormal pala si ganyan, ganito pala si ganon, iboboto pala ni ganito si ganyan”. Alam mo yon? “Tapos sinabi ni ganito na yung anak ni ganyan, iboboto si ganon”. I don’t want to mention. Pero grabe, nasasayang yung oras natin. We only have, how many years to live para pagkaabalahan nung mga taong ito. Sila pinapayaman natin aksi pinapasikat natin sila e, Kung nanunuod lang kayo ng GNN marami pa kayong matututunan diba? Yung programa natin sa Business Portal pero
Fritz: Kasi ito, halos lahat negosyo, inspiring stories. Diba?
Pocholo: Katulad ng buhay namin, ako I myself, I’ve won a lot of awards and the youngest Filipino and the first Filipino na naawardan ng International Youth Foundation sa Washington DC, I was only 22 years old, because of the Voice of the Youth. I’m also a Go Negosyo most inspiring young entrepreneur. Ang mga kasabayan ko, 60, 70 years old na, ako 30 pa lang. Ako yung pinakabatang nabigyan sa Bataan ng Go Negosyo ni President GMA.
Fritz: Now, we’re just going to pause for a break, when we come back, we’ll talk to Pocholo’s advocacy, how he tends to or how he wants or sees the future of the Philippines and how can we make it better. Please stay tuned.
VIEW FROM THE TOP
Pocholo: Magandang araw sa inyo, ako nga pala si Pocholo Gonzales, diector ng Hero TV FSX Production para malaman kung paano ginagawa ang dubbing, yan, ang proseso ng pagda dub. Mamaya makikita nyo ang iba’t ibang mga tao, mga voice talent, mga batikan at mga professional dubber na kung paano nila ginagawa ang dubbing kaya dyan lang kayo. Sunod kayo mamaya.
Ayan, nandito na tayo sa FSX ngayon at magsisimula na ng dubbing. 9:30 ng umaga, yan ang tamang oras ng pagsisimula, ang calltime namin kaya sama kayo, ‘don tayo sa studio. Ayan ito ang studio, sama kayo. Ayan, ok, pasok tayo. Pakilala natin ngayon ang mga tao sa likod ng dubbing, ayan, ng mga anime na paboritong paborito nating pinapanuod. Ito ang ating technician, technician, walang iba kundi si Robin, ang aming Pinoy, Robin Padilla. Ayan, ito ang ginagamit naming mga gamit, mga program kung saan ay makikita nyo ang iba’t ibang mga gamit, ayan, TV, itong computer, so mamaya makikita nyo yung mga voice talent natin darating na sila, mga ilang minuto na lang at nandyan na sila, so abangan nyo sila.
Benjie Dorango: Hoy, Hello, kamusta. Ako nga pala si Benjie Dorango at tamang tama it’s a 9:30, ang schedule namin, so ngayon, mag start na akong mag dub ngayon, and the, symepre darating na din yung ibang mga tao.
Robert Brillantes: O Hi, ako nga pala si Robert Brillantes at 9:31, ang aga ko ha. Maya maya darating na rin yung ibang mga kasama naming dubber. Abangan nyo kami, papakita nami kung pano idina dub.
Benjie Dorango: Pero syempre bago tayo mag dub, kailangan natin ng script. Ok, nandito na tayo sa dubbing studio, so ang importante sa dubbing kelangan meron kang script.
Robert Brillantes: Script syempre. Yung monito bukas na. Syempre and mikropono, diba? Dito tayo mag dub ngayon.
Benjie Dorango: So pwede na tayong mgasimula? Siyanga pala, bago tayo magsimula, gusto kong magpakilala sa inyo, ako si Benjie Dorango, dubber ng sikat na sikat na Meteor Garden, bilang Dao Ming Zu at syempre dinub ko rin si Martin ng Lovers in Paris, si Jerry ng Stained Glass at maraming maraming marami pa pong iba at.
Robert Brillantes: At ako naman si Robert Brillantes at mga dinub ko naman ay ang tulad nga ng sinabi ni Benjie, ang Meteor Garden, ang pinaka sikat, syempre si Zi Men, si Ken tapos si Cyrus ng My Name is Kim Sam Soon, tapos si Suneyo at Damulag ng Doraimon, at Detective Conan, ‘yon. At syempre ito, offsite, si Shin Go.
Benjie Dorango: Ito na ngayon ang actual dubbing. Sssh, maingay.
(Dubbing)
Pocholo: Ok, so tapos na tayo. And yan ang huling part ng episode 40 ng. So yan nasaksihan nyo ang dubbing process. So salamat sa panunuod, hanggang sa muli. Mabuhay kayo, sa lahat ng mga fans ng anime, sa lahat ng mga gustong maging dubber, sundin nyo lang ang mga narinig nyong mga payo, mga tips mula sa professional voice talent, ok. Salamat.
Fritz: Welcome back from View from the Top. I’m with Mr. Pocholo Gonzales, the Voice Master. A while back, we we’re just watching the video on how to dub.
Pocholo: Oo nga e. Nasurprise ako, meron pala akong video na ganon. Ang payat ko pa don ha?.hahaha. 4 years ago.
Fritz: 4 years ago pa ‘yon?
Pocholo: Oo, tagal na.
Fritz: Paano ka ano, paano ka naghahanap ng talent, paano mo sila tini train?
Pocholo: Yan, magandang tanong yan. Alam mo, kung manunuod ka ng mga anime ano, iba’t ibang channel, minsan may bagay, may hindi, may feeling ka na lumulutang yung boses hindi bagay dun sa character. Yung ang laki laki ng character ang boses “Hoy humanda kayo sakin”. Maliit. Nasa caster yan e. Kumbaga casting director, kaya sa Amerika, diba may Caster Association of America. Kasi dito sa Pilipinas kung sino lang yung malakas ‘don sa direktor ‘yon ang pinipilit nilang ipasok. Ako, nag papa audition talaga ako, kilala ko na yung mga karakter na para ‘don. Pag napanuod ko na ‘yon, “A si ano ‘to, si ganyan”. Katulad ng ewan ko napanuod mo yung Dayo? Sa mundo ng Elementalia? Sa 2D, 3D animation. Ako lang hindi artista ‘don. Tumulong ako sa pag voice direct ‘non. Tapos I did 2 characters, yung kontrabida tska yung isang bidang manananggal. Kaboses niya yung isang broadcaster yung, sabi niya, “Hanapin ninyo at wag na wag ninyong tatantanan”. Tapos yung isa naman yung monster yung, “Hindi sila kailangang magtagumpay”. Ganon yung boses nung isang punong nabuhay.
Fritz: Paano mo, diba in different character tas meron yung mga different voices, pano mo nimamatch ‘yon?
Pocholo: A depende kasi sa charcater yan e. Kumbaga parang stereo type din. Kasi sa animation kelangan mas OA ka, hindi kasi, napansin mo yung instead na sabihin ko sayo na “Kamusta ka?”, walang dating yon sa TV, “Oy, kamusta ka?” kelangan animated ka dahil walang normal voice sa mga anime. Puro ano yan,
Fritz: Lahat exxagerated?
Pocholo: Exxaguration, Oo. Kasi anything na napapanuod mo sa TV, kala mo normal lang, kasi kelangan attention getting mo ganon katindi e, like sa commercial, hindi naman pwedeng sabihin na, “Manang pabili nga ng isang itlog”. Diba pag narinig mo sa radio o TV, “Manang pabili nga ng isang itlog”. Yung parang may acting na siya.
Fritz: May mga request tayo na kung pwede daw ng sample based ‘don sa mga pictures na, ayan si FVR.
Pocholo: O sige, sige. Kunwari si FVR, si FVR pakita nyo sa TV para kunwari
Fritz: Nako conscious si Pocholo.
Pocholo: Nako conscious ako e, mahiyain ako sa personal. Sabi niya, “A mula first of all, mabuhay ang Global News Network, Mabuhay ang Sambayang Pilipino para sa Philippines 2010, e sayang alam mo dapat tatakbo ako, kaya lang e medyo mahina na ako tumakbo sa marathon, ayun, ok, mabuhay ka Fritz”
Fritz: Ayan, paborito nating lahat,
Pocholo: “A pare, ang masasabi ko lang pare, wag nyo akong subukan pero bakit nyo ako sinubukan?”
Fritz: Ok, sino pa? Idol ko yan.
Pocholo: Sabi niya, ang masasabi ko lang Erap, sino ka man, nasan ka man, walang anuman Erap, dahil sa tunay na samahan, iba na ang may pinagsamahan”. Sino pa? Sabi niya, “Ala naman e, kagwapo mo naman pala diyan Fritz, wag ka ngang pagay –on gay-on diyan, ay kadami namang chicks dito e, ha? YA kita mo na?”
Fritz: Galing ah.
Pocholo: Sa kabilang channel yan, sabi niya, “Hoy, binabati ko si Fritz at ang kanyang programa, siya ang no. 1 dito sa GNN, diba taray ng lola?” Taga ibang channel din yan. “Magandang araw po mga Kapuso, hindi po kayo nagkakamali, lumipot, lumipat, ay excuse me po. Lumipat na po ako dito sa GNN, akala nyo totoo, ewan ko kung naniniwala kayo, at daahil dito, hinding hindi namin kayo tatantanan”. “Kilala mo ba yan tol? Ang tunay na lalaki, hindi sakit ang binibigay, sinasabi ko sayo tol, Robin Padilla po ito”. “Me ganon? Susunod dio sa GNN, Eksklosibo, dito sa GNN, naliligaw ako, Gabby Concepion”. Anyaway, yon lang? Marami pa yan, marami pa yan. Yung mga cartoons mamaya, ipakita nyo.
Fritz: So ang ginagawa mo, minememorize mo ba yung mga?
Pocholo: May something kasi sila na common na laging sinasabi e, yung parang pag lagi mong naririnig, na nasanay kang ganon, kahit anong script kaya mo ng basahin. Kunwari si kuya Kim sabi niya, “Ito po ang onyong kuya Kim dahil sa kahit anong pagsubok ng panahon laging tatandaan, ang buhay ay weather, weather lang”. Bigayan ka ng ibang script, gnaon lang ang atake. Actually pwede kong ituro yan ngayon kaya lang wala na tayong oras, buong araw yan na turuan.
Fritz: So mag training na lang sila sa inyo?
Pocholo: Ngayong summer, tamang tama meron kaming mga workshops na gagawin.
Fritz: Lalo na sa mga highschool?
Pocholo: Voice acting na, alam nyo marami ng nanggagaya sakin a, alam mo ‘yon? Kasi before ayaw nilang magpasok ng bago e nakita nila more than, almost 300 na yung graduates ko at mga 50 na ang nasa industry. Imagine mo ‘yon? ‘Coz I really want to change the mind set of the future voice artist in town. Kasi yung iba bread and butter, alam mo ‘yon? Ayoko ganon yung tingin nila e, na pagkakakitaan lang ito. Voice acting is an art. Ito’y isang sining na katulad ng ano, mga painter. Mag paint yan kahit di mo bayaran e. Ganon din ako. I will perform kahit di mo ako bayaran kaya lang syempre, yung iba, mas maganda yung may bayad. E siguro yung, malaki, malaki yung kita sa pag voice, kung magaling kang mag voice.
Fritz: Baka gusto mo ipromote yung schedule at kung saan, pwede mag,
Pocholo: Mukhang may request yata si Direk Arnel. Nais ko munang ano, batiin syempre yung ating manager dito, program manager ba ito? Yung may birthday kahapon, belated happy birthday.
Fritz: Wednesday, Wednesday birthday niya.
Pocholo: Oo. Balita ko mamaya mag papakain daw siya.
Fritz: Pagbigayan na natin.
Pocholo: Pagbibigyan ko. Babati ang mga characters na ito, si Arnel. “Magandang araw sa inyo, ako nga pala si Guilmon, binabati ko si Arnel ng belated happy birthday”. “Ako si Valmon, happy birthday Arnel. Wuahaha”. O diba ang taray. Ano pa?
Fritz: Meron pa bang iba?
Pocholo: Arnel, sige pa, mag ano ka pa, e minsan lang sa buhay mo ‘to. May bayad na next time yan. Ay sa Votron yan, si Coran. Sabi niya, “Ako nga pala si Coran ng Voltron, Voltron force, batiin nyo si Arnel ng Happy Birthday” “Voltron force happy birthday”. Ayan si Michael. “Cowabunga dude, ako nga pala si MichaelAngelo. Nais kong batiin ng happy birthday ang bro ko. Yow dude, happy birthday Arnel”. Wala pa, wala na? Ang dami pa yan mga 100.
Fritz: May question, ano daw bawal gawin para ma maintain mo yung boses mo?
Pocholo: Yung hindi mo dapat gawin, simpleng simple lang. Kapag nagsasalita ka, wag kang iinom ng napaka lamig na tubig, maligamgam lang or, hindi naman. Tska ano, wag mong over exert yung voice mo pag nahihirapan ka na, lalo na yung mga sigaw sigaw. “Ahhhh”. Kasi yung vocal chords natin, chords nga yan e. Diba subukan mong higitin yung gitara mo ng sobra-sobra, mapapatid. Ganon yung nangyayari sa vocal chords pag napatid yan, nagkakaron ng ano,”Huskiness”, kasi hindi pantay yung vibration niya. So ang solution wag kang magsalita, ipahinga mo lang, inom ka lang ng tubig, automatic mag heal yan mag isa.
Fritz: Yung paninigarilyo, pag inom mo ng alak, pagpupuyat, may effect din ba yan?
Pocholo: Actually malaki, pero yung iba mas gusto nila yung naninigarilyo, bumababa yung boses nila.
Fritz: Totoo ba yun?
Pocholo: Oo, may effect din ‘yon e. Kasi may nawawala na yung baga nila, lumuluwag.
Fritz: Ano yung pagkakaiba ng voice actor sa mga singers?
Pocholo: Actually malaki. Although parehas in principle boses yung ginagamit pero doesn’t mean pag magaling kang singer, magaling kang voice actor. Or magaling kang voice actor, magaling kang singer.
Fritz: Pero pwede ka bang kumanta?
Pocholo: Oo naman, na iba ang boses. Kunwari, “happy birthday to you”. Kung singer ka, yung mga tipong, “Si bubu at si chacha ay magkaibigan”. E kung natural, “si bubu at chacha” kakantahin mo siya as your normal voice, iba yung character voice, pero kaya naming kumanta. So ‘yon nga lang hindi kami nakikilala kasi hindi kami nakikita. Ang sikat samin yung character na binobosesan namin. Katulad ng isang ano, yung commercial sa tv, yung, “ba, be, bi, bo, bagong bibo”. “O aning sikreto ng bagong bibo?” tapos yung, “Sinponyo is the name, game over ka siponyo”. Wag ko ng banggitin yung product pero ako yung voice behind that.
Fritz: May asawa ka na?
Pocholo: Of course.
Fritz: Anak?
Pocholo: Meron na rin. He’s the youngest, take note ha, siya ang pinaka batang naging voice talent. At age of 1, meron na siyang commercial na ginawa, sabi niya, “Mama”. Basta mga lima na yung nagawa niya.
Fritz: So tinuturuan mo rin siya?
Pocholo: Ang mga bata naman madaling maturuan, pero kaya nga ring mag spongebob e. Sabi ko, ganito Patrick subukan mo, “Hey come’on Patrick”. Ginagaya niya si Patrick. “What’s up Spongebob?” Diba ganon. Ginagaya niya tas nakukuha niya. Nakakatuwa.
Fritz: Yung wife mo tinuturuan mo?
Pocholo: Ay hindi. Wala siyang kaugnayan sa ginagawa ko. Nasa Shipping Industry siya, manager siya sa isang Shipping Company.
Fritz: Kala ko family business.
Pocholo: A no, no, no. I don’t believe in family business na dapat magkaiba totally kasi pag bumagsak yung isa, pano na? Para sakin ‘yon, ewan ko. Pero marami namang family business na ok. Wala kaisng challenge kung parehas kayong nandon diba? Ganon yung pagtingin ko don.
Fritz: Now going back to ano, before the break, we’re talking about your advocacies, tingin mo pano natin mababago yung mind set ng mga Filipinos? Kasi yon nga napapanin mo, umaasa lang tayo sa pulitiko, kaya ang daming mga nangangako e, diba? Anong ginagaw ng voice of the youth para mabago yung mind set na ‘yon?
Pocholo: Basically, yung voice of the youth talaga, we inspire, inform, involve, and empower young people. We inspire them to make a difference. Pano bang we make a difference? Pag sinabi mong you’re student, but what makes you different from other students? If you’re a traditional student e pagtanda mo, traditional ka pa rin. So there’s something new sayo, halimbawa, ang grupo kasi namin napakaraming ginagawa. Pero magtaka ka, pano namin nagagawa ng walang pera? Ako naniniwala ako, laht ng tao may something sa kanya na gusto niya ilabas, gusto niya i express, gusto niyang gawin. Ang problem no one supports that person. So the Voice of the Youth Network is a network that will support you, your advocacy. Basta ang importante, mabuti ito para sa ibang tao, sa kapwa mo. So nandito kami para tulungan ka. We will find a way para maturn into reality yung iyong ideas. So it’s all about you not the group.
Fritz: May mga different chapters ba kayo nationwide? Kasi nabanggit mo meron kayo sa Mindanao.
Pocholo: Ya. Oo. Marami, almost, all provinces meron na.
Fritz: Pano sila pwedeng maka ano, how can they get in touch with you?
Pocholo: Online, sa website namin, voty.org. Meon kaming website tapos ang ginagawa namin, binibigay lang namin yung blueprint kasi lahat sila may freedom to do it on their own e. Magpapaalam lang samin pero rule no.1 no money involve, para walang korupsyon, walang pera.
Fritz: Walang masisilip.
Pocholo: Kasi pwede naman e. Alam mo ‘don ka magtaka ang dami kong nagawa sa buhay ko, nagawa sa ibang tao, wala, walang pera. Walang gumagastos, pamasahe, per yung parang gobyerno sasabihin, “Ay hindi na tuloy kasi walang budget”. Ang kulang dito sa bansang ‘to, leadership talaga. Wr have a leadership crisis. Anong leader? Syempre someone who leads and also follow. Servant leadership dapat e. So pano mo mapapatunayan na ang isang leader ay leader? Simple lang. Kung yung taong yan, yung pulitikong yan may tinayong organization o anything na meron siyang follower, napaka simple e, leadership kelangan may follower. Kung walang follower yang taong yan sorry but I don’t think he has the right to become our next president.
Fritz: Ngayon maraming, ‘yon nga, maraming gustong tumakbo.
Pocholo: walo, walo.
Fritz: Walo ba? So dapat ngayon pa lang alamin na kung sino talaga yung pinaka qualified ano?
Pocholo: ‘Yon talaga. Alam mo hindi ka pwedeng maging manager kung janitorial lang yung tinapos mo e, diba?
Fritz: So yung Voice of the Youth ba, you’re also educating yung mga voters?
Pocholo: Yes, yes, meron akong programa na ginawa, kasi VOTY nga kami, Voice of the Youth, meron akong program na ginawa, Vote of the Youth.
Fritz: Ano ‘yon?
Pocholo: VOTY rin. It’s more on how you will vote for someone. Ano yung intelligent voting na tinatawag? Na balang araw sana wag mong pagsisisihan kung sino yung ibinoto mo? Yan ba yung ibinoto mo? Gumawa nga ako ng kanta, actually dahil sa, minsan nadedepressed na din ako the way our fellow Filipino think, napasulat ako ng kanta ng 1 hour. Ganito yung pinaka banat niya. Sana meron pala tayong, hindi ko naibigay yon. Anyway yung title niya “Boboto Boboto Boboto ako” Double meaning, boboto at bobo ito. But hindi ko naman ginegenerize na ito, kumbaga nasa sayo yon bilang isang tao kung pano mo iaaccept, nasa isang tao kung pano nya, feeling mo bobo kang botante, ikaw ‘yon. So tatlong persona yung nagsasalita. Isang kandidato, isang botante at isang aktibista. Ang line niya ganito, parang nangangampanya na rap siya, rap version. Ang dating niya, “Mga kababayan ko, ako’y pakinggan nyo, lahat ng bagay ibibigay ko sa inyo, pati langit at lupa paghahaluin ko, basta ako lamang ang inyong iboto. Ako ang mag aahon sa inyo sa kahirapan, galing at talino ang inyong kailangan pangako ko hindi ako magnanakaw subok na ako at hindi ako masisilaw”. Tapos may botante, “Puro na lang pangako lagi namang napapako, padulasan mo lang ako para wala ng reklamo. Kahit na matalino kahit ako miso=mo nagpapabayad sa kandidato para lang sila iboto. Kaya ngayong halalan ako ay tutunganga, maghihintay na lang ulit sa inyong mga biyaya, kaya ngayong eleksyon ang gagawin ko,” Tapos yung chorus niyan, “bobo to, boboto, boboto ako”, diba? Bobo to, boboto sila.
Fritz: Ni launch mo na ba iyan or?
Pocholo: Parang independent song, ginawa ko lang. Parang advocacy pero wala tayong pinatutungkulan dito na ano, walang specific na tao kasi masama ‘yon pero ang point ko maging matalino kang botante, yu have to research.
Fritz: Lalo na ngayon, well sa village namin no, almost every hour may mga sasakyan. Mas maganda kung yan yung patugtugin natin.
Pocholo: Ay hindi. Sabi ko nga i download na nila, yang mga tao sa ibang probinsya dapat i download nyo yan, iparinig nyo sa mga tao, matututo kayo kasi wala pa namang lumlabas na advocacy sa for intelligent voting e. Yung pagboto lang, how we will vote pero intelligent voting, wala pa.
Fritz: Now we only have a few minutes before we’re going to end the show, do you have any final words to our viewers at the same time you can also promote your acting, voice acting lesson.
Pocholo: Ok thank you very much. Para sakin ito ang pinaka crucial na moment ng eleksyon ng generation natin mga kabataan, still a youth, I’m just 30 years old but turning 31 this May. But according to Republic Act 8044, I’m still a youth mag isip tayo mga kabataan, ang future natin nandito na, kumbaga, what will happen for the next 6 years will define our future, so maging mapanuri tayo, maging matalino tayo sa pagboto well itong grupo namin, Voice of the Youth meron kaming Vote of the Youth na ilalabas namin sa Internet, ano ba talaga yung tunay na tinig at boses ng kabataan, at ang boto ng kabataan ngayong eleksyon. Siguro ‘don muna tayo mag focus at naniniwala ako, kayo mga kabataan, lahat tayo magtatagumpay kung lahat tayo maniniwala sa sarili natin kaya magtulungan tayo, tulungan natin ang sarili natin at let’s follow our dreams, our passion. So pag ginawa nyo yan , hindi kayo magkakamali at let’s volunteer din sa lahat ng mabubuting mga advocacy sa bansa natin at I would like to invite all of you to be part of our Voice Acting Workshop, you can visit our website, at www.creativoices.com or .net or google nyo na lang voice acting workshop philippines, agyan nyo na lang ng pangalan ko Pocholo Gonzales o add nyo ako sa facebook account ninyo, Pocholo Gonzales, ‘yon Pocholo Gonzales at meron din akong website Pocholo Gonzales.com so pwede kayong tumawag sa telephone number 237, a 239-6468, 239-6468, alright? So mamaya abangan ninyo ang Creative Business with Llyod Luna.
Fritz: Ok, thank you very much Cholo. Now the next show will be about Creative Business, kayo ni Llyod ano?
Pocholo: Oo nga e. Naghihintay na nga ata dyan ngayon.
Fritz: Thank you very much for watching View from the Top, we hop we got you inspired. ‘till next week, thank you very much, I’m your host Fritz Capulog.